John willing makatrabaho ang dyowa ng anak

john-estrada1

Willing si John Estrada na makatrabaho ang boyfriend ng anak niyang si Inah de Belen na si Jake Vargas. Professional naman daw siya kaya walang problema.

“I think ‘yung anak ko masaya at natatakot siya na nandito na ako. May magbabantay sa kaniya at sa boyfriend niya, Jake daw pangalan nu’n?,” deklara ni Jake sa GMA News Online.
Pumirma na si John ng kontrata sa GMA 7 nu’ng Miyerkoles.

“I feel so welcome and at the same time excited. Well, it’s a fact naman that I love challenges, ‘di ba? And as you mature, syempre mas marami kang gustong patunayan sa sarili mo. At dito sa GMA, mas interesting ‘yung mix of content. At of course, bagay sa’kin ‘yung versatility na ino-offer nila,” bulalas pa ng aktor.

“Itong first project ko, dito ako medyo sobrang excited dahil napakaganda. If I am not mistaken, this is the biggest project of GMA this year. ‘Yung revelation nito dapat perfect timing kasi nga malaking project ito and I am really looking forward to that. I just want to say that it’s all worth the wait,” dagdag pa niya.