Very lucky si Nathalie Hart dahil siya ang last cover ng FHM Men’s magazine na last print issue ngayong Mayo.

Ni-launch siya sa Star Magic Batch 16 nu’ng 2008 at naging produkto ng StarStruck Season 5. Napag-alaman naming na­­pakahaba ng real name niya na Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell. Filipino-Australian siya tulad ni Anne Curtis.

Unang sabak sa pelikula ay pinakita agad ni Nathalie ang husay niya sa pag-arte. Pero hindi nakikita ang talento niya sa acting­, dahil mas nakikita ang kanyang seksing katawan.

2016 ay nanalo si Nathalie ng Best Actress sa International Film Festival na ginanap sa New York, ang Siphayo. Pinag-usapan din siya sa pelikulang Sin Island with Xian Lim na pinalabas kamakailan lang. Hubad kung hubad kasi ang ginawa ni Nathalie sa pelikulang ‘yun.

Sabi ni Hart nu’ng interbyuhin ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, wala raw siyang pakialam kung tawagin siyang pornstar.

“Iyong mga sasabihin nila na I’m malandi, pokpok, I’m a porn star — I don’t care, wala akong pakialam sa kanilang lahat.” Ang mas importante raw sa kanya ay ang pamilya. Mas naaapektuhan raw siya kung hindi niya maipo-provide ang kanyang fa­mily lalo na at wala na siyang ama.

Nasa The Blood Sisters ngayon si Nathalie at sa FPJ’s Ang Probins­yano. Natutuwa siya dahil pang-general patronage ang teleseryeng nasamahan niya at least mapapanood na rin daw siya ng mga bata.