Pambabastos ni Juancho kay Alden okey kay Maine?

Buhay na ulit sa Twitter si Juancho Trivino after niyang ma-lost in space nang masangkot siya kamakailan sa ‘dirty finger’ controversy with Alden Richards.

May tweet si Juancho nu’ng isang araw na, “Hi, hindi ko po sinagot ang mga tinanong kanina sa presscon tungkol kay Maine para i-promote ang aking show, sinagot ko ‘yun to clear issues.

“Barkada ko si Maine and Sheena, at kung hindi n’yo ako kilala, protective ako sa family and friends ko. So Happy lang tayong lahat!”

As expected ay may mga nam-bash pa rin sa Kapuso hunk. Ang hirit ng mga netizen, paano siya naging protective kay Maine eh hindi naman niya ito pinagtanggol nang ma-bash ito noon dahil sa kanya?

At saka base raw sa mga sagot ni Juancho ay parang sinabi na rin nito na okey lang kay Maine ang ginawa niyang pambabastos noon kay Alden.

Kung totoong protective daw si Juancho sa mga kaibigan niya ay mas lalong hindi niya dapat banggitin sa interviews niya ang mga ito.

Galit pa rin lalo na ang AlDub fans sa binata, na markado raw nila dahil sa ‘dirty finger’ issue na matagal nang tapos.

Kung ano-anong masasakit na salita ang tinatawag nila kay Juancho kahit sinabi nitong close friends lang sila ni Maine at hindi niya kino-consider na ligawan ito sa ngayon.