Iniintriga ang relasyon ng TV host na si Boy Abunda at si Kris Aquino. Hindi raw nagbatian ang dalawa sa premiere night ng Joy Belmonte and Boy Abunda Originals present “A Trilogy Of Love Stories” na ginanap nu’ng Huwebes sa Trinoma.

Matatandaan na dating manager ni Kris si Kuya Boy lalo na sa commercial pero kamakailan ay lumipat si Kris sa pangangalaga ng Cornerstone Entertainment, Inc.

Ayon sa source, hindi niyanapansin na magkasama sina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa loob ng sinehan. Nakita lamang daw nila ang dalawa paglabas na nila.

Sa pagkakaalam ng aming source, may hindi umano pagkakaunawaan ang King Of Talk kay kaya naman hindi nila nakita ito na lumapit sa kanya sa loob ng sinehan.

HINDI NAGTAGPO

Nilinaw namin kung ­totoong nagdedmahan sina Kuya Boy at Kris.

Ayon sa isang malapit sa King of Talk, hindi raw talaga nagtagpo ang dalawa.

Nasa loob na raw ng sinehan si Kuya Boy para sa premiere night.

“Nu’ng dumaan si Kris sa Cinema 6 kung saan showing ang trilogy. I think nagmamadali rin si Kris papuntang Cinema 7 kasi manonood siya ng ‘Kasal’.

Hindi ko alam kung nag-uusap pa sila. Kasi busy rin sila pareho.

“Hindi kita sino-showbiz kapatid ha. Pero kilala ko ang dalawang ‘yan. Kahit 10 years pa silang hindi magkikita or mag-uusap, alam kong mahal na mahal nila ang isat isa,” pahayag pa ng aming kausap.