Pimentel laglag sa puwesto dahil kay Sereno

koko

Kung nagkaroon ng paglilitis ang Senad­o sa impeachment ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, maaaring­ nagpatuloy si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa paninilbihan bilang lider ng kapulungan.

Subalit dahil sa na­patalsik na si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition na pinaboran ng walong justices ng Supreme Court (SC), itinuloy na ang pagtanggal kay Pimentel bilang ­Senate President.

Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na matagal na sanang pinalitan ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III si Pimentel sa kanyang puwesto subalit nakiusap ang huli na manatili muna dahil kailangan na abogado ang magiging presiding justice sa impeachment trial sana ni Sereno.

Inamin din ni Lacson na marami nang sablay si Pimentel sa loob ng dalawang taon nitong panunungkula­n kaya nagdesisyon silang ipalit si Sotto bilang Senate President.

“Ito parang combination ng napakara­ming insidente in the past. May kasabihan tayo sa politika, all politics is local.

May kasamahan kami roon na (hindi) nagugustuhan ang PDP-Laban ang sumusumpa pa ng mga kasapi nila ‘yung mga kalaban pa ng kanilang kapatid, ama, kamaganak. In-express nila medyo may problema. So ang una kong ginawa kami ni Sen. Sotto… kinausap namin mas maganda kausapin si SP kasi may naamoy akong problema. Ang underlying na kagustuhan namin talaga, maging solid ang solidarity ng majority bloc, ‘di mabubuwag, ‘di mabasag,” kwento ni Lacson.

“Pangalawa, noong bumabanat ang spea­ke­r­­ ng HOR sa Senado na mabagal na kapulu­ngan, tapos votin­g jointly para balewalain kami, gusto nila may marinig sila sa mismong leader ng Senado. E alam mo naman ‘di ba hindi confrontational kasi si SP. Ako pa nga medyo nagpa-react nag-criticiz­e ako sa paha­yag ng kaibigan natin sa HOR at ako medyo napababad,” dagdag pa nito.

Dito na anya napag-usapan na palitan ang liderato at sa mga pagpupulong nila ay napili nila si Sotto.