Siksikan at wala nang paglagyan sa dami ng nahuli sa ikinasang one-time-big-time (OTBT) ng mga alagad ng batas sa Taguig City kamaka­lawa ng gabi.

Sa isinumiteng report ni Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang kanilang ikasa ang OTBT sa Barangay Central ng nasabing lungsod.

Nasa 11 ang nadakip na nag-iinuman sa mga lasangan, anim ang walang suot na pang-itaas ang nadanaan din ng mga awtoridad sa naturang barangay.

Walo naman ang naaktuhang naninigarilyo sa kalsada ang dinampot din, apat naman naaktuhang nagsusugal sa kalye.

Habang nasa 59 na menor-de-edad ang dinampot at dinala sa Taguig Police Station dahil lumabag ang mga ito sa curfew.

At nakumpiska din ang 15 motorsiklo na walang kaukulang dokumento at aalamin kung ang mga ito ay karnap.

Sinabi ni Santos, matapos idokumento ng Taguig Social Welfare Department ay pinayagan din makauwi ang mga menor-de-edad at sinundo ng kani-kanilang mga magulang.

Habang ang mga walang sundo ay dinala naman sa DSWD (Department of Social Welfare and Development)ng nasabing lungsod.

“Medyo bumaba na po ‘yun bilang ng mga lumalabag sa ordinansa, mukhang natuto na ang ilang mga residente,” dagdag pa ni Senior Supt. Santos.

Samantala, hindi bababa sa 32 drug personalities kabilang ang isang menor-de-edad at pitong kababaihan ang inaresto sa anti-illegal drug operations sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, at Valenzuela kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Mula umano alas-sais pasado ng gabi hanggang alas-2:30 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng pulis sa iba’t ibang lungsod.

Naaresto sa Malabon ang isang 17-anyos na binatilyo, 16 na katao kabilang ang tatlong mga kababaihan.

Ayon kay Senior ­Insp. Carlos Cosme, Jr., kinilala ang iba pang naares­tong suspek na sina Enrico dela Cruz, 42, Carl Wowie Cruz, 21, Elizer Abayato, 30, Marlyn Mayor, 25, Angelica Mejia, 20, Edward Balu­yan, 18, Michael Rodriguez, 40, Ronald Lopez, 30, Marcial Miranda, 28, Mark Torres, 35, Marlon Nailon, 42, Edmond Pineda, 25, Anita Gallos, 42, Michael Consuelo, 21, Joel De Castro 36, at isang 17-anyos na lalaking hindi na pinangalanan. Nasa 23 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga ito.

Ganap na alas-2:30 ng madaling-araw nang magsagawa naman ng buy-bust sa Valenzuela City ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Branch (SDEB). Naaresto dito sina Ronnie Roque, 39, Jhonry Peterbos, 28, at Dexter Layam, 36, sa Sapang Bakaw, Barangay Lawang Bato.

Bago ito, ganap na alas-11:30 ng gabi nang maaresto rin sina Pablito Orosco, 44, at Junel Slucon, 21, sa Orosco Street, Barangay Mapulang Lupa kung saan walong plastic sachet ng shabu ang na-recover sa kanila.

Sa Lungsod ng Caloocan ay naaresto sina Jerry Angeles, 46, sa isinagawa ring buy-bust operation habang nahuli na nagsisisinghutan ng shabu sina Henry Reyes, 44, Aresteo Jacinto, 33, Leo Mateo, 49, at Leana Tolentino sa Gen. San Miguel, Barangay 8, Sangandaan ng nasabing lungsod.

Ganap namang alas-11:30 ng gabi nang maaresto rin sina Jimmy Chavez, 40-anyos, Jayston Cortez, 30-an­yos, Rebecca Acuna, 52-anyos, Glenda Legaspi, 44-anyos, Annie Trina Gomez, 38-anyos, at Daisilyn Manalastas, 40-an­yos na nahuli sa aktong nagsasagawa ng transaksyon ng shabu sa Galauran Street, Barangay 63 ng parehong lungsod.