Nag-isyu ng arrest warrant ang isang hukuman sa Pasig City laban sa founder ng kontrobersiyal website na 8chan na sinampahan ng kasong cyber libel.

Pinirmahan ni Presiding Judge Romeo Dizon Tagra ng Pasig Regional Trial Court 158 ang arrest warrant laban kay 8chan founder Frederick Brennan.

Si Brennan ay sinampahan ng kasong cyber libel ni Jim Watkins.

Idinawit ang 8chan sa ilang mass shooting sa Estados Unidos at New Zealand.

Kinasuhan si Brennan ng cyber libel matapos uamnong tawagin si Watkins na “senile” at “incompetent” matapos itong humarap sa pagdinig ng US Congress hinggil sa pagkakasangkot umano ng 8chan sa mass shooting.

Nabatid naman na kasalukuyang nasa Amerika si Brennan. (Vick Aquino)