Aabot pa sa 8,000 overseas Filipino workers (OFWs) na istranded sa Saudi Arabia ang kailangang maiuwi.

Ito ang nabatid kay CTS-OFW Party-list Rep. Aniceo Bertiz na nagsabi pang mahigit 2,000 ang nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa mga susunod na mga linggo.

“Over 2,000 OFWs are expected to return to the Philippines in the coming weeks, while more than 8,000 conti­nue to remain in Saudi Arabia,” ani Bertiz kaya marami pang trabaho ang gagawin ng gobyerno partikular na ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Magugunita na libo-libong OFWs ang nawalan ng trabaho sa Saudi Arabi matapos magbawas ng manggagawa ang mga kumpanyang pinagtatrabuhan ng mga ito dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis noong nakaraang taon.

Kasabay nito, hiniling din ng mam­babatas sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na dagdagan ang pondo ng DOLE ng kahit kalahating bilyon upang madagdagan ang puwersa ng pamahalaan sa Saudi Arabia at iba pang bansa na magbabantay sa karapatan ng mga OFW.

Kinumpirma rin ni DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III sa budge­t hearing kahapon sa Kamara na anim lang ang staff ng kanyang ahensya sa Al-Khobar na nag-aasikaso sa mga pa­ngangailangan ng may 300,000 OFWs.

2 Responses