9-anyos na estudyante todas sa motorsiklo

Isang 9-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos masagasaan ng motorsiklo habang patawid sa kalsada sa Gen. Trias City, Cavite Biyernes ng umaga.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias City Medical Center ang biktima na kinilalang si Darwin Sarmiento, estudyante at nakatira sa Brgy. Buenavista 2 sa nasabing lungsod.

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng motorsiklong Suzuki na si Jhay Marvin Endrina, 22-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:10 ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan habang patawid sa kalsada sa Brgy. Buenavista 2 ang biktima ay sinalpok ito ng paparating na motorsiklo.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklara itong patay na dakong alas-10:22 ng umaga. (Gene Adsuara)