9 ‘ninja cops’ ng C. Visayas na-dismiss

Nasa siyam na umano’y ‘­ninja cops’ mula sa Central Visayas na napatunayang drug user ang ­na-dismiss na sa ­serbisyo sa Police Regional Office 7.

Nahaharap sa kasong ­administratibo mula sa ­reklamong inihain sa Regional Internal Affairs Service 7 kung saan kinilala ang mga ito na “ninja cops” na umano’y nagre-recycle ng mga nasabat na kontrabando at gumagamit ng iligal na droga.

Nakilala ang mga na-dismiss na sina Police Corporal Jose Marri Garcia, Police ­Patrolman Marlo Laborte, Police Staff Sergeant Joffrey Mulat, Police Patrolman Jayrome Solano, Patrolman Frances ­Maucesa, Corporal Gilfredo ­Carungay, ­Patrolman Gregy Gica, ­Patrolman Joseph Tabo-tabo at Police Master Sergeant Darwin ­Gonzales matapos ilabas ang desisyon ng korte.

Nabatid na ang mga ­pulis na nagre-recycle ng mga ­nakum­piskang droga ­matapos ang drug buy bust ay ­kinikilalang “ninja cops.” (Vick Aquino)