9 oras brownout sa Olongapo

Jojo Perez

Makakaranas ng siyam na oras na brownout ang mga residente sa buong lungsod ng Olongapo sa Abril 13, Sabado, ayon sa Olongapo Electricity Distribution Corp. (OEDC).

Magsisimula ang itinakdang power interruption alas-otso nang umaga hanggang alas-singko nang hapon.

“The National Grid Corporation of the Philippines will conduct annual preventive maintenance of the 50 MVA power transformer replacement of the CT/PT of OEDC’s metering facility and general maintenance of HPVE at the NGCP Olongapo Sub station,” ayon pa sa pahayag ng OEDC.