Siyam na katao ang inaresto ng mga pulis sa Game 1 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball finals sa pagitan ng University of the Philippines at Ateneo de Manila University noong Sabado sa Pasay City dahil sa iligal na pagbebenta ng tiket.
Kinilala ni Pasay City Police chief Sr. Supt. Noel Flores ang mga suspek na sina Alfredo Molina, Michael Dino, Jhion Randell Guison, Edgardo Lacap IV, Antonio Borja, Alex Vinas, Rex Peral, Billy Jon Alturas at Alberto Manarang.
Nahaharap sila ngayon sa mga kasong paglabag sa City Ordinance 192 (Anti-Scalping) o iligal na pagbebenta ng tiket.
Ipinatupad ang paghihigpit laban sa mga scalper alinsunod na rin sa kautusan ni National Capital Region Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar para mapigilan ang pagsasamantala sa mga estudyante at iba pang nais makapanood ng UAAP men’s basketball finals.