Napauwi na ng embahada ng Pilipinas sa Yangon ang 91 stranded at distressed na mga Pilipino sa Myanmar, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ang mga nakauwing manggagawang Pinoy mula sa Yangon ay mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic at kanselasyon ng mga flight.
Ang mga Pilipino ay nanatili sa Yangon, Nay Pyi Taw at iba pang mga rehiyon.

Sila ay binigyan ng transportasyon at pansamantalang hotel accommodation habang hinihintay ang chartered repatriation flight patungo sa Maynila sa pamamagitan ng Air Asia.

Isang team mula sa Embahada ng Pilipinas sa Yangon ang tumulong sa mga Pilipino mula sa pagrehistro para sa paglipad hanggang sa pagsakay sa eroplano pauwi ng Maynila.

Ligtas na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport ang nasabing mga Pinoy noong Lunes ng hapon. (Mina Aquino)