94K paslit binakunahan sa Mindanao

Umaabot sa 94,014 na paslit mula sa Mindanao ang napagkalooban ng bakuna kontra polio ng Philippine Red Cross (PRC) sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa PRC, na pinamumunuan ni Chairman at CEO Richard Gordon, nalampasan na nito ang kanilang target na 60,000 paslit sa ikapitong araw lamang ng ikatlong­ round nang isinasagawa nilang Sabayang Patak Kontra Polio para sa mga batang nasa 0-5 years old.

Nabatid na nagsimula ang third round ng vaccination program ng PRC sa Mindanao noong Enero 20 at inaasahang magtatapos ito sa Pebrero 2.

Ang pagbabakuna naman para sa polio sa National Capital Region (NCR) ay sini­mulan kahapon, Enero 27 at nakatakdang magtapos sa Pebrero 7.

“Our target number for the children to be vaccinated this year is 60,000 and as expected, the numbers exceeded anew. PRC wants your children to be safe,” pahayag ni Gordon.

Nabatid na may 1000 trained volunteer at mga staff ang ipinakalat ng PRC para magsagawa ng mass immunization upang matiyak na mas maraming bata ang kanilang mababakunahan upang maprotektahan laban sa polio. (Edwin Balasa)