98 ambulansya pinamudmod sa Calabarzon

Siyamnapu’t walong mga bagong ambulansiya ang ipinagkaloob ng Department of Health (DOH)- CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa 9 na ospital sa rehiyon.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo, gagamitin ang nabanggit na mga ambulansiya ngayong may pandemic at programng Balik-Probinsiya.

“These emergency vehicles will be used in responding to the present pandemic, in preparation of a surge or second wave of the virus, preparing for the new normal, preparing for the Balik-Probinsya program and preparing for the next epidemic/pandemic” ayon kay Janairo.

Ang naturang mga ambulansiya ay binili ng Regional Office sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program (HFEP).

Kabilang sa mga ospital na recipients sa unang tranche ng mga bagong ambulansiya ay ang Imus District Hospital in Cavite; San Pedro District Hospital at Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna; Don Manuel Lopez Memorial District Hospital at Malainin Barangay Health Station sa Batangas; Antipolo Hospital System IV (Mambugan) at Rodriguez Rural Health Unit 2 sa Rizal; at Bondoc Peninsula District Hospital at San Narciso Municipal Hospital sa Quezon.

Paliwanag ni Janairo, priority dito na bibigyan ay ang mga lugar na nangangailangan ng emergency vehicles at kasama rin dito ang pagbibigay ng training sa mga personnel na mag-o-operate at hahawak sa mga ambulansiya.

Ayon pa kay Janiaro, importanteng mayroon silang proper knowledge sa essential life support, gaya ng cardiopulmonary resuscitation o CPR. (Gene Adsuara)