Ipinaramdam agad ni Asia’s first grandmaster at defending champion Eugene Torre ang kanyang lakas matapos pisakin si Angelito Ca­mer ng Australia sa simula ng 9th Asian Seniors Chess Championships kahapon sa Tagaytay International Convention Center, Tagaytay City.

Walang kahirap-hirap na nilista ni defending champion Torre ang isang puntos, tinapos niya ang laban sa 19 moves ng London Opening.

Espesyal ang panalo ni Torre dahil ipinagdidiwang din niya ang kanyang pang 67th Birthday kaya naman pagkatapos ng laban ay nilapitan agad siya ng kanyang asawa at mga kaibigan upang batiin.

“It’s a good win.” saad ni Torre.

Isa sa mga bumati kay Torre ang dating teammate niya at retired Judge na si Rosendo Bandal na nagwagi kay Kian Hwa Lim ng Malaysia.
Nakatakda naman magharap sina Torre at Bandal sa second round.