Patay ang dalawang suspected drug pusher matapos makipagbarilan sa operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kaninang madaliang araw sa Barangay Pagasa, Quezon City.

Sa ulat ng Police Station-2, nangyari ang insidente kaninang ala-1:00 ng madaling araw sa ikinasang buy-bust operation ng anti-drug unit ng QCPD.

Kinilala ni PS2-SDEU team leader PCI Erwin Guevarra  ang dalawang napatay na suspek na sina Alexander Matibag at Ronald Martinez. Nakatakas naman ang isa pang suspek na nakilala sa alyas na “Nante”.

Ikinasa sa buy-bust operation sa mga suspek at umaktong poser buyer ang isang kagawad ng QCPD na si “PO1 Adun”.

Nang makatunog umanoang mga suspek na parak ang kanilang katransaksyon, bigla umano silang nagpaputok gamit ang cal .45 na pistola kaya napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba.

Nakuha sa mga napatay na suspek ang ilang pakete ng plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang p400 na buy-bust money.

One Response