Magdadalawang buwan na matapos kaduda-duda at biglaang mawalan ng tanging kuryente ang isang bahagi ng Rizal Memorial Coliseum kung saan katabi nito ang Philippine Sports media center na siyang pinaggagawaan ng mga istorya ng mga sports reporter at journalist sa Rizal Memorial Sports Complex.
Marahil dapat na itong suriin mismo ng Meralco, Bureau of Fire Protection at inspeksiyunin na din ng City of Manila dahil patuloy na hindi makita ang koneksiyon ng mga kawad at mismong daanan at daluyan ng kuryente na siyang nagkokonekta sa mga opisina at dapat na magpailaw sa mga bahaging apektado ng kaduda-dudang blackout.
Hindi naman nagkaroon ng blackout mahigit apat na linggo na ang nakakalipas nang biglang mawalan ng kuryente ang bahagi ng Rizal Memorial Coliseum kung saan kasama sa nawalan ng kuryente ang ibinigay na opisina para sa mga sports reporter at iba pang manunulat sa loob ng sports complex noong Oktubre taong 2009.
Kataka-takang hindi makita ng mga engineer at electrician ang mga linyang dinadaanan ng kuryente patungo sa mga nasabing pasilidad na isang katanungan sa mga posibilidad na magkaroon ng malaking sunod o pagmulan ng hindi inaasahang pagkasunog.
Ang balita, sinadyang alisin ni sir na taga-RMSC ang kuryente dahil tinamaan sila sa mga nagdaang Blind Side dahil sa kanilang mga kalokohan.
Si sir na sinadyang alisan ng kuryente ang media center ay walang iba kundi si sir ‘feeling opisyal’ ng RMSC.