A real One-Stop shop

Tig-dalawang labor a­ttachés ang idaragdag ng Department of Labor sa Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia upang mas mapabilis ang pagproseso ng mga papeles ng natitira pang 9,000 stranded O­FWs doon.

Magtatalaga rin ang DOLE ng labor attaché sa Al Khobar sa Saudi pa rin oras na makapagtayo roon ng konsulada ang Pilipinas.

Bilang No.1 country destination ng OFWs, tama lang na magdagdag tayo ng consular at labor officials sa Saudi upang mangalaga sa interest ng OFWs sa oil-rich country.

Responsive

Bagama’t ayon sa POEA ay naka-freeze ang deployment ng OFWs sa Saudi sa harap ng patuloy­ na pagbaba ng presyo ng krudo sa world market, maaasahang babalik din sa normal ang sitwasyon doon.

Ang aksyon na ito ng pamahalaan, kaalinsabay ng pagbibigay ng P26,000 financial assistance sa stranded OFWs, ay patunay na responsive ang kasalukuyang administrasyon sa needs ng OFWs.

Kahapon, isa na namang­ development ang nangyari na ikatutuwa ng lahat ng OFWs at mga aplikante sa patrabaho sa ibang bansa na nagpoproseso ng kanilang mga dokumento.

Open to serve

Ito ay ang pagbubukas ng One-Stop Shop para sa OFW sector alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte.

Suffice to say na lahat ng papeles na kakaila­nganin ng isang aplikante sa trabaho ay makukuh­a na niya sa POEA main ­office sa kanto ng EDSA at ­Ortigas.

Balak ding magtayo ng One-Stop Shop sa POEA Regional Offices. At pre­sent, heto ang mga represented agencies sa POEA One-Stop Shop at ang services na puwedeng i-avail.

DFA — Passport services, including extension; OWWA — Membership, renewal; TESDA — competency assessment, veri­fication and replacement of certificates, training and scholarship;

PRC — issuance of license; MARINA — issuance/revalidation of seaman’s book; HDMF — Pag-Ibig membership; PhilHealth — processing of membership, payment; SSS — registration, upda­ting, acceptance of loan and benefits claims, loan status verification, card releasing;

PSA — birth, marriage, death, certificate of no marriage; Immigration — departure clearance info; NBI — clearance; CHED — veri­fication/authentication of school credentials;

TIEZA — Travel tax, exemption and discount processing and payment; POEA — OEC, certification of OFW records and legal assistance.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions o comments sa usapang_ofw@yahoo.com o sa telephone number 551-5163.