Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Francisco Gamboa ang lahat ng local police unit sa bansa na maglaan na nararapat na tulong at pangalagaan ang lahat ng mga health worke matapos makatanggap ng report na pang-aabuso sa mga frontliner.
Binigyang-diin pa ng Chief PNP na may kalalagyan ang mga mahuhuling umaabuso sa mga frontline health worker.
“Kung meron kayong sasaktan na health workers, the PNP will arrest you, will give you what you’re supposed to get doon sa mga ginagawa niyo dito sa health workers,” sabi ni Gamboa.
Bilin ni Gamboa sa kapulisan, kailangang ibigay ang lahat ng makakaya para mapangalagaan ang mga health worker laban sa mga mapang-abusong tao.
“At this time of national health emergency, the Philippine National Police stands doubly committed to apply the full might of the law against any person who will lay hands on our health workers, thus, we shall do whatever it takes to protect them from crime, violence, and any form of oppression and discrimination,” base sa pahayag ni Gamboa.
Ang babala ni Gamboa at utos na pag-aresto sa mga taong mananakit o mang-harass ng mga health worker ay kasunod ng mga report na nakakaranas ang ilang frontliner ng diskriminasyon at pisikal na pag-atake.
Kaya naman inutos na rin ni Gamboa na kung maaari ay gabayan ang mga health worker na papasok at lalabas sa mga ospital.
Hinimok ni Gamboa ang publiko na suportahan at pangalagaan ang ating mga health worker na siyang humaharap sa panahon ng krisis katulad ngayon. (Vick Aquino)