Abala sa ilang lansangan, asahan

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinasabi nitong magkakaroon ng road repairs ang Department of Public Works and Highways at Quezon City government.

Partikular dito ang drainage improvement sa may kahabaan ng C-5 Road, Service Road at bisinidad nito mula C-5 Rd.-7th Street-Makati-Pateros River.

Nagsimula na ito kama­kalawa at ito’y gagawin hanggang Disyembre 16, 2016.

Gayundin ang relocation at replacement ng mainline pipe ng Manila Water Co. Inc. sa kahabaan ng Granada St. crossing Granada Bridge malapit Ayala Gilmore Townhomes, Quezon City.

Ito’y bilang pagha­handa na rin sa road/bridge widening project na nagsimula nitong Martes at matatapos hanggang Setyembre 6, 2016.

Kaya naman, payo sa mga motorista,  iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit ng alternatibong ruta.