Laglag na rin ang hu­ling dalawang baraha ng ABAP (Association of Boxing Alliances in the Philippines) na sumabak sa ASBC Asian Elite Men’s Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

Sa semifinals, yumuko si 2016 Rio Olympian Rogen Ladon kay Mongolian Gan-Erdene Gankhuyag 3-2 sa semifinals ng 49-kg light flyweight division.

Ilang beses namang bumagsak si Dannel Maamo ng Cagayan de Oro hanggang tuluyang dominahin ng Korean opponent 4-1.

Uuwi ang dalawa na may kuwintas na bronze, nakasiguro na rin sila ng slots sa World Championship sa Hamburg, Germany sa August. Si Eumir Felix Marcial na nasilat sa quarters ay dadaan sa box-off ngayong Linggo para makipag-agawan kay Syrian Abdul Mouen Azziz para sa last ticket sa Hamburg.