ABAP NSA of the Year ng PSA

Pararangalang ­National Sports Association of the Year ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Marso 6.

Sa pangunguna ni Nesthy Petecio, umupak ng kabi-kabilang ginto sa nagdaang 2019 ang mga Pinoy pug sa world at Asian level.

Dahil dito, naka­kuha na naman ng panibagong NSA of the Year award mula sa pinakamatagal na media organization, na kikilalanin ang mga top sports personality at entity sa naturang annual gala night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Hihirangin naman ang Team Philippines bilang Athlete of the Year sa event na mga itataguyod ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine.

Nasa unahan ng magandang performance ng ABAP ang 27-anyos na si Nesthy Petecio, naka-gold sa AIBA Women’s World ­Boxing ­Championships sa ­Ulan-Ude, ­Russia matapos gibain si hometown bet Liudmila ­Vorontsova via split ­decision sa kanilang featherweight class encounter.

Kinapos naman si Felix Eumir Marcial na pantayan ang nagawa ni Petecio dahil silver lang siya sa world tournament for men sa Yekate­rinburg, Russia.

Naging pa­ngatlong Pinoy ang 24-year-old native ng Lunzuran, Zam­boa­nga City na runner-up sa prestihiyosong award kasunod nina light flyweight Roel Velasco (1997) at Harry Tañamor (2007).

Hindi naman nagpahuli si former world champion Josie Gabuco nang iuwi ng 32-year-old veteran fighter ang gold sa Asian Boxing Confederation Elite Boxing Championships sa Bangkok, Thailand nang gibain si North Korea Kim Hyang Mi sa finals ng women’s light flyweight category.

Bahagi sina Petecio, Gabuco at Marcial sa nakamit na pitong ginto ng national team para talunin ang karibal na Thailand sa overall title sa boksing sa ­nagdaang 30th SEA Games 2019 sa bansa. (Aivan ­Episcope)