Abay sa kasal bawal sa `new normal’

Tinanggal na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa inisyu mga guideline para sa iba pang liturgical celebration ang mga ‘abay’ sa kasalan sa ilalim ng ipatutupad na ‘new normal’ bilang bahagi ng hakbang para labaman ang COVID-19.

Nabatid na ang bride at groom na lamang, kanilang mga magulang at mga ninong at ninang ang papayagan na dumalo sa seremonya ng kasal.

“We offer you then some guidelines in view of the possibility, in the gradual return to the new normal that we will be allowed to celebrate the Sacraments with the people in attendance, especially the Holy Eucharist,” ayon sa CBCP.

Binalangkas umano ang nilalaman na guidelines ni Fr. Genaro Diwa, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy.

Gayundin sa `new normal’ guidelines, ang kumpisal ay gagawin ng `outdoor’ at hindi na gagamitin ang mga confession room sa loob ng simbahan.

“It is preferable that they be heard outdoors, where there is better circulation of air and additional space for safe distance between the confessor and the penitent,” nakasaad sa mga bagong CBCP guideline.

Sa binyag, tanging ang immidiate family lamang at isang pares ng ninong at ninang ang padadaluhin sa seremonya.

Ipinagbawal na rin ng CPCP ang hawak- kamay sa pag awit ng ‘Ama Namin’ at pangungumustahan sa panahon ng pagbibigayan ng kapayapaan.

Maglalagay rin ng mga marker sa mga bench at pews para sa social distancing sa loob ng simbahan.

Sa oras naman ng holy communion, ilalagay ang ostya sa kamay at hindi na isusubo at bago ang seremonya ay aatasan ang publiko na i- santized ang kanilang mga kamay bago at pagkatapos tumanggap ng ostya.

Binawasan rin ng CBCP ang miyembro ng choir na kakanta sa simbahan at kinakailangan na mayroon social distancing at pinayuhan na ang cantor ang mangunguna lamang sa pagkanta.

Lahat din ng papasok sa simbahan ay dapat na magsuot ng facemask at susunod sa social distancing.

Tanging ang ‘priest celebrant’ lamang ang pinapayagan na magsuot ng mask at gloves at isang metro rin ang distansiya niya sa congregation.

Ang mga pari at lay minister na makikilahok sa misa ay dapat maghugas at i sanitized ang kanilang kamay.

Pinayuhan din ang mga matatanda, may sakit at bata na manatili sa bahay at huwag nang dumalo sa misa.

Magpapatuloy rin ang mga livestream at televised broadcast ng mga misa upang malimitahan ang tao sa mga simbahan.