Malaking bilang ng mga pasahero ang naapektuhan matapos limitahan ang biyahe ng Light Rail Transit 1 (LRT 1) matapos magkaaberya, kahapon ng tanghali.

Nabatid kay LRT-1 Operations Director Rode Olario­, dakong alas-12:30 ng tanghali nang ihinto muna ang biyahe ng tren matapos na magkaroon ng “spark” ang power catenary o pinagkukunan ng kur­yente ng LRT 1.

Nalaman na operational naman ang linya pero ala-una ng hapon nang unang limitahan ang biyahe mul­a Baclaran hanggang sa Central Terminal Station.

Dakong alas-3:30 naman ng hapon nang buksan ang biyahe mula Blumentritt hanggang Roosevelt station at vice-versa.

Umabot pa ng alas-4:09 ng hapon nang maibalik sa normal na operasyon ang LRT 1.