Nasikwat ni Merlito Sabillo ang bakanteng Asian Boxing Federation light flyweight title makaraang idemolis via knockout 2:58 third round si Jack Amisa­ ng Indonesia Sabado ng gabi sa Bacolod City.

Sumingasing ang ring record ng 33-year-old ­Taboso, Negros Occidental native sa 26-4-1 win-loss-draw na may 13 KOs.

Nakabawi na ang dating World Boxing Organization minimum weight titlist na si Sabillo mula sa kambal na dagok sa Japan sa nakalipas na taon sa tagumpay sa boxing card ng “Grudge Rematch-The Return Bout”.

Nakorner ng Pinoy boxer ang Indonesian at pinaulanan ng suntok sa katawan na nagpaluhod kay Amisa, iniluwa na ang mouthpiece tanda ng pagsuko at inihinto ng referee ang laban.