ABL: Alab vs Mono Vampire sa kampeonato

Ginulantang ng Mono Vampire ang mas pinapaborang league leader Chong Son Kung Fu, 83-80, para kumpletuhin ang semifinals sweep kahapon sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Nakatakdang harapin ng Mono Vampire sa Game 1 and 2 ng best-of-five finals sa ASEAN Basketball League (ABL) ang una nang sumampa sa championship series na San Miguel-Alab Pilipinas simula ngayong Linggo, Abril 22, sa Sta. Rosa Multipurpose Complex.

Sasandalan ni Alab coach Jimmy Alapag ang mga kamador niyang import na sina Renaldo Balkman at Justine Brownlee, maging ang local mainstay na si Ray Parks, Jr.

Bumida sa Mono Vampire sa endgame si Sam Deguara na nagsalpak ng importanteng basket mula sa pasa ni Jason Brickman.

“We will be ready. We will have some adjustments especially on the defensive end,” wika ni Alapag.