ABL tigil laro rin

Inihayag ng ASEAN Basketball League (ABL) na tuluyan na rin nitong isasagawa ang indefinite suspension sa mga laro dahil sa patuloy na paglawakg ng COVID-19 sa rehiyon.

Matapos na ideklara ng World Health Organization ang COVID-19 bilang isang pandemic, ang ABL, kasama ang unanimous support ng lahat ng mga miyembrong koponan, ay walang makitang ibang paraan kundi itigil ang kanilang kompetisyon sa ginaganap na ika-10 nitong season.

“With the safety of our teams and fans in mind, the league has followed every protocol, obeyed travel restrictions, and erred on the side of caution at every step to protect everyone involved. The ABL was one of the first leagues to react to the current health crisis with the postponement of more than 50 games that started early February. Only a single ABL game has been played after February 23,” ayon sa pahayag ng ABL.

Ang lumalalang sitwasyon sa buong mundo ay nangangailangan ng masusing pagtugon ng ABL na parte nito para masiguro na ang boses ng lahat ng mga stakeholder ay madidinig at kailangang makamit.

Lahat ng koponan ay kailangan ng panahon para mabisita ang kanilang mga kontrata dahil mayroon din silang responsibilidad sa mga advertiser, venue, at broadcast partner na kaila­ngang ayusin bago maisagawa ang isang unified decision.

“The ABL explored all options in an effort to continue to deliver top-quality basketball and entertainment to our loyal fans. The league looked at booking neutral venues where multiple teams could play some of their postponed games. However, the travel restrictions in the region, the qua­rantine requirements upon the teams’ return to their respective countries, and heeding the advice of multiple government institutions have led to the decision to suspend our seaso,” ayon pa sa statement ng liga. (Lito Oredo)