Abogado ng partido ni Direk Maryo, wanted kay Mother Lily

direk-maryo

LAGING napupuno ang dalawang chapels ng Loyola Memorial Chapels,  Quezon City sa  burol ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Doon na rin ay kinausap ni Mother Lily ang younger brother ni Direk Maryo na ayusin na nila ang pag-transfer ng ilang pro­perties ng namayapang direktor.

Nasa pangalan pala ni Mother Lily ang unit ni direk Maryo sa Imperial Palace, at ang resort nito sa Los Baños, Laguna.

Kaya kinausap niya ang kapatid ni Direk Maryo na kumuha na ng abogado para ayusin daw sa lawyer niya ang pag-transfer ng naturang properties.

Huling lamay kagabi ni Direk Maryo na kung saan ay sponsor ang Studio 56 at ang ToFarm Film Festival ni Dra. Margarita Haw.