All out ang support ni Kris Aquino sa kandidatura ng pinsang si Senator at re-electionist Bam Aquino to the point na nagpatawag pa siya ng press conference held last Monday na dinaluhan niya at ng asawa nitong si Timi Aquino.
Hindi ito basta-basta ginagawa ni Kris at kung hindi kami nagkakamali, first time siyang nagpa-presscon for a political candidate. Unang-una, bawal nga rin sa mga endorsement contract niya ang mag-endorse or mangampanya ng kandidato.
Kahit bawal, ginawan ng paraan ni Kris na masuportahan niya in her own way ang kanyang pinsan. Si Timi na asawa ni Sen. Bam ang nasa presscon at hindi ang mismong kandidato.
“I can’t say the word ‘vote,’” paglilinaw ni Kris sa mga bawal niyang gawin. “I’m obeying several contracts that say ‘bawal.’ So, as you can see, this is lawyers’ check for me kung ano’ng puwede kong gawin, so this is the closest that I could come, and I could say, of course, the number, number 9 (numero ni Bam sa balota). And as you can also see, si Timi ang katabi ko, hindi ‘yung kandidato.”
Pinag-aralan pa raw talaga ng mga lawyer niya ang puwede niyang magawa para makatulong sa pinsan and she emphasized na boluntaryo ang pagtulong niyang ito.
“Inaral ng mga lawyers ko ang puwede kong magawa para makatulong sa kanila without me violating my contract dahil ayokong isoli ‘yung pera nila, eh, sorry.
Oo (sabay-tawa), dahil sayang naman, nabayaran ko na ‘yung tax para do’n.
“Ginawan namin ng paraan to the best of my ability and I also asked Timi when all this was being planned, I said, ‘do you want me there?’ because alam naman natin na I’m vocal, ‘di ba? So, this is a double-edged sword for them at ina-acknowledge ko ‘yun.”
Sobrang thankful naman ni Timi kay Kris sa full support nito kay Bam at sa buong family niya kahit noon pa.
“Sobra akong kinilig nu’ng sinabi niya do’n sa Instagram na ako raw ang favorite cousin-in-law niya. Sabi ko, ‘oh my God, eto na!’ Parang I have arrived, ‘di ba?
Parang hindi lang po ako asawa ni Sen. Bam, favorite cousin-in-law po ako ni Kris Aquino and like I said, hindi po siya ‘yung nagsasalita ng wala lang,” sabi ni Timi.
***
Ivana ganadong magpatikim
Last Monday ay nagkaroon ng press screening para sa bagong drama series ng ABS-CBN, ang “Sino ang May Sala?: Mea Culpa” at sa pilot week pa lang ay nagpasabog na ng kaseksihan ang isa sa bidang si Ivana Alawi dahil may mga matitinding love scenes na siya agad with Kit Thompson na mukhang hindi naman maipalalabas sa TV dahil sa sobrang pagka-daring.
“Pero maipalalabas siya sa online,” hirit ni Ivana.
Sabihin pa, palaban ang bagong sumisikat na sexy star na ito na alaga ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment. Sey pa niya, hindi lang siya sa pilot week nagpatikim ng pagka-daring kundi marami pa raw mapapanood.
“Promise, mas marami pa. Mas matindi ang mga parating na love scenes,” sey niya.
Ang “Sino Ang May Sala?: Mea Culpa” ang first lead role ni Ivana. Bago ito ay napanood muna siya sa “Araw Gabi” at “FPJ’s Ang Probinsyano” at dito pa lang ay nakagawa na siya agad ng impact sa audience.
Unang nakilala si Ivana sa “Starstruck 6” ng GMA-7 at kapatid siya ng Kapuso child actress na si Mona Louise Rey.
Goal talaga ni Ivana ay maging sexy star kaya naman ngayong natutupad na niya ito ay sobrang happy siya lalo pa nga’t binigyan siya ng ABS-CBN ng ganito kalaking teleserye.
Supportive naman daw ang kanyang buong pamilya sa kanyang pagpapa-sexy pati na ang younger sister niya.
Kasama rin ni Ivana sa “Sino ang May Sala?: Mea Culpa” bilang mga bida sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca at Ketchup Eusebio. Hatid ng Dreamscape Entertainment at mula sa direksyon nina Andoy Ranay and Dan Villegas, mapapanood na ang serye simula sa Lunes, April 29, sa primetime slot ng ABS-CBN.