Mukhang handa si Nadine Lustre and her camp na labanan ang Viva Artists Agency (VAA) kung ang mga pahayag ni Atty. Lorna Kapunan ang pagbabasehan. Naniniwala ang VAA na strong and binding ang kanilang kontrata sa singer-actress.
Hindi basta-bastang abogado ang kinuha ni Nadine na si Atty. Kapunan pero handa ba si Nadine sa proseso ng legal battle against Viva? Mangangahulugan din kasi ito ng pagbaba ng kanyang income dahil hindi siya puwedeng tumanggap ng trabaho without the blessing ng Viva kahit ina-assure siya ng kanyang legal counsel na puwede umano siya tumanggap ng direct offers mula sa third parties.
Although hindi pa nakakarating sa korte ang usapin ni Nadine na may kinalaman sa kanyang pagkalas sa bakuran ng Viva, mahaba-habang proseso ang kanyang kakaharapin.
Kapag nagmatigas si Nadine at hindi nakipag-usap sa Viva, she will have to face the consequences.
Manalo’t matalo si Nadine sa kaso, tiyak na may impact ito sa kanyang career.
Dalawang solo movie ang ginawa ni Nadine nu’ng isang taon, ang “Ulan” at “Indak” na parehong hindi pumalo sa takilya. Siya ang original choice to play the role of the grown up Yesha sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach pero umatras siya sa nasabing proyekto.
Ang isa pang movie na nakalaan sana sa tambalan nila ni James Reid, ang local adaptation ng Korean movie na “Spellbound” ay napunta kina Bela Padilla at Marco Gumabao.
Ayon sa big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario, may mga nakalaan umano silang solo projects for Nadine. Nagulat na lamang sila sa ginawang press statement ng kanyang kampo na siya’y kumakalas na sa pangangalaga ng VAA na naging tahanan niya since 2009.
Viva doble sa 2019 ang gagawing pelikula
Humarap ang pamilya Del Rosario sa media launch ng Viva Vision 2020 na ginanap sa Monet Ballroom ng Novotel noong Martes.
Proud na ibinalita ng kompanya na sila’y nakagawa ng 19 na pelikula nu’ng nakalipas na taong 2019 at ang number na ‘yon ay kanilang dodoblehin sa taong ito ng 2020.
Naipalabas na last January 22 ang opening salvo nila na “Nightshift” na pinagbidahan ni Yam Concepcion. Showing naman ngayong February 5 ang “On Vodka, Beers and Regrets” na balik-tambalan nina Bela Padilla at JC Santos. Sa February 19 naman ay palabas ang “Untrue” na unang tambalan nina Cristine Reyes at Xian Lim.
Bukod sa pamilya Del Rosario at ibang top executives ng Viva, dumalo rin sina Alessandra da Rossi, Yassi Pressman, Yam, Xian Lim, Kobe Paras, Jerald Napoles, Xia Vigor, Donnalyn Bortolome, at iba pang mga director gaya nina Direk Joel Lamangan, Jason Paul Laxamana, ang magkasintahang Antoinette Jadaone at Dan Villegas, Nuel Naval, Yam Laranas.