Finals Game 2 ngayon: (The Arena, San Juan)

(Best-of-3 series)

9:00am – ADMU vs CSB [Battle for 3rd]

11:00 a.m. – *ADU vs UST (Game 2 Finals)

(* leads series, 1-0)

Tiyak na hahanap ng pagkakataon si Klarisa Abriam upang isalba ang Benilde Lady Blazers sa pag-sweep ng Ateneo Lady Eagles sa battle-for-3rd place sa 3rd PVL Collegiate Conference 2019 na The Arena, San Juan.

Kinapos sila nitong Miyerkoles tapos pabagsakin ng Lady Eagles. Pero ready na ulit ang tropa sa Game 2 ngayong alas-9 ng umaga.

Sandata ni CSB coach Jerry Yee si Abriam na humampas ng 23 points sa opener.

Aasahan rin niya si Janella Sulit na may 28 excellent digs para depensahan ang floor ng Taft-based squad habang toka naman sa pagse-set ng bola si Jewel Lai.

Asinta naman ni Ateneo rookie Faith Nisperos na pabagsakin agad ang Lady Blazers para makuha ng Katipunan-based spikers ang bronze medal. (Aivan U. Episcope)