Wala sa plano ni House Speaker Alan Peter Cayetano na madaliin ang pag-apruba sa franchise renewal ng ABS-CBN makaraang linawin nito na hindi nangangahulugan na sa gagawing pagdinig ng Kamara ay agad mare-renew ang prangkisa ng network giant.
Tugon ito ni Cayetano sa pangungulit at kahilingan sa kanya ng mga kasamahang kongresista na agad na itong magpatawag ng pagdinig ukol sa nakabinbing franchise renewal bill ng naturang TV network matapos na maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC).
Aniya, hindi kailangang madaliin ng Kamara ang pagdinig sa kaso ng ABS-CBN franchise application kahit pa umano lumipas na ang isang linggo simula nang ipag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapatigil ng operasyon ng Channel 2.
“To those calling for an immediate hearing on this matter, including my colleagues in Congress, let me just be very clear—a hearing does not mean automatic renewal,” ayon kay Cayetano sa kanyang Facebook post.
Sa halip , ang masisiguro lamang umano niya sa pagdinig ay mailalatag ng ABS-CBN ang kanilang kaso sa Kapulungan gayundin ang mga tumututol dito.
“The serious concerns that have been raised can no longer be swept under the rug, and it is absolutely necessary for Congress to give this matter all the time and attention it requires,” giit ni Cayetano.
Paliwanag pa ng House leader na ang mga pagdududang bumabalot sa usapin ng ABS-CBN franchise ay hindi kailanman mareresolba at mabibigyan-linaw kung walang isang maayos at serye na mga pagdinig.
Taong 2014 pa isumite ang ABS-CBN franchise application at hanggang ngayong 18th Congress ay hindi pa rin naitatakda ang hearing ng franchise committee sa mga panukalang nakabinbin para makapagpatuloy ng operasyon ang Kapamilya network .
“Ultimately, it is only through a fair, impartial, comprehensive, thorough presentation and appreciation of the evidence that we can clear the air. Your House of the People will put the interest of the Filipino people first, and in these extraordinary times prioritization, fairness and timing is of utmost importance,” dagdag ni Cayetano.
Nauna dito, pina-aapura na ng mga kongresista kay Cayetano ang pagtatakda nito ng pagdinig kaugnay sa mga nakabinbing franchise renewal bill ng ABS-CBN.
Sa sulat ng labing apat na kongresista na pawang authors at co-authors ng ABS CBN franchise bills, hiniling ng mga ito na madaliin na ang pag- convene ng committee on legislative franchises upang matalakay na ang naturang panukala.
“We understand that there are important measures that the House leadership has to attend to in this extraordinary time. However, we believe, too, that resolving the ABS-CBN issue the soonest is equally important given the impact, economically and politically, of its continued shutdown in this time of crisis,” ayon sa sulat.
Iginiit ng mga kongresista na pangunahing responsibilidad ng Kamara na tugunan at bigyan- linaw ang kalituhang dulot ng nakabinbing aplikasyon ng naturang TV network para sa renewal ng kanilang prangkisa.
Magugunitang nag- isyu ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa naturang network noong Mayo 5 dahilan upang huminto ang pagsahimpapawid nito, makaraang apaso ang prangkisa ng network.(Eralyn Prado)