SANIB-PUWERSA ang mga comedian mula sa Kapuso at Kapamilya network para tulungan ang mga frontliner.Ito ay sa panahon ng krisis ng COVID-19.

Ceasefire muna sa network war ang mga kasapi sa grupo para sa iisang layunin lalo na’t halos cast ng Bubble Gang ng GMA at Banana Sundae ng AB-CBN ay nakiisa sa magandang layunin ng samahan.

Pinangunahan nina Ogie Acasid, Herbert Bautista, Janno Gibbs, Padilla brothers, Dennis at Gene ang pagbuo ng grupo at nag-iiisip pa sila ng gagawin upang makatulong.

Kasama rin si Vhong Navarro na nag-suggest ng challenge para ipakita ang suporta sa frontliners.

Sina Janno at Jerald Napoles ang namahala a social media account ng grupo habang si Ai Ai de las Alas ang magbi-bake ng tinapay para ipamigay sa iba’t ibang sectors.

Sumapi rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Ryan Bang atbp.

Inaasahan din ang pagsama sa Covidyante ng iba pang komedyante sa grupo.

Ang official hashtag ng grupo ay #PunchlinersForFrontliners. (RFC)