“Practice ka na lang, baka magkita tayo sa court.”

‘Yan ang sinabi ni Solicitor General Jose Calida sa isang reporter ng ABS-CBN matapos na ihain nito ang quo warranto petition kontra sa franchise renewal ng nasabing TV network.

Ito’y matapos na humingi ng kopya si ABS-CBN justice reporter Mike Navallo ng hinaing petisyon ni Calida sa Supreme Court.

“You’re a lawyer? You’re from Cagayan de Oro?” tanong ni Calida kay Navallo, na sinabing taga-Surigao ang reporter.

Bigla nitong pinatamaan si Navallo na tila natatandaan ang mga write-up sa kanyang ng reporter.

“Lagi mo akong binabanatan. Abogado ka rin pala e,” ayon kay Calida.
“Sir, I’m just doing my job. It’s part of the story,” paliwanag naman ni Navallo.

“Practice ka na lang, baka magkita tayo sa court,” giit ni Calida. (Ray Mark Patriarca)