Mabubulabog na ngayon ang Abu Sayyaf Group (ASG) nang simulan nang bombahin ng Philippine Army ang kuta ng grupo bilang pagtugon sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “all out war” laban sa mga terorista.
Ayon kay Lt. Col Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), kamakalawa pa ng umaga nang simulan ng tropa ang pagbagsak ng mga bomba sa pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf sa Maligay, Patikul, Sulu.
Gamit ang mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) dakong alas-9:30 nang umaga kamakalawa, binagsakan na nila ng bomba ang mga pinaghihinalaang mga balwarte ng ASG sa lugar.
“Kanina ay may mga lumipad pero hindi nagpaputok, they (airforce) only fire if the targets are located and clear, no civilians in the area,” pahayag ni Besana.