Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga City

Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang pinagsanib na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Operation Group, Regional Field Unit 9 at Zamboanga City Police Sabado ng hapon sa nabatid na lungsod.

Kinilala ni Police Brig General Froilan Quidilla, Police Regional Office (PRO) 9 Director, ang nadakip na suspek na si Barri Happi, 40, miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Sub Leader Marzan Ajijul.

Si Happi na may kasong illegal possession of explosive ay nadakip base sa warrant of arrest na inilabas ng korte sa kanilang bahay sa Sitio Palo-Palo, Barangay Muti, Zamboanga City dakong ala- 1:30 ng hapon noong Sabado.

Kusang loob namang sumama ang suspek sa awtoridad at hindi na nanlaban.

Sa ngayon ay nasa kustodya ng CIDG Zamboanga ang suspek.(Edwin Balasa)