Abueva hinamong magpa-drug test

Marami ang nagdududa ngayon kung gumagamit ng bawal na droga si suspended Philippine Basketball Association player Calvin Abueva ng Phoenix Pulse.

Ito’y makaraang maglabas siya ng kanyang panig sa pang-aabuso umano na ginagawa n’ya sa misis na si Sam at sa kanilang mga anak.

Matapang naman itong sinagot sa Instagram live video ng kontrobersyal ngayong manlalaro.

“Hindi!,” sagot niya sabay-taas ng kanyang suot na sando at ipinakita ang kanyang abs.“May drugs bang ganyang katawan. Ha! Sige nga!” patutsada pa niya.

Ngunit pinabulaanan naman ng kanyang misis na si Sam ang pagkontra ni ‘The Beast’.

Saad niya, handa siyang magpa-DNA test para mapatunayan na anak ni Calvin ang kanyang dinadala sa sapupunan, ngunit kailangan namang magpa-drug test ni Calvin para mapatunayang hindi gumagamit ng iligal na droga.

“Willing akong magpa-DNA test ng pinagbubuntis ko ikaw willing ka bang magpa-DRUGTEST?” ayon sa IG story ng asawa ni Abueva.

Sa kabila nito ay marami pa rin ang nagko-comment ng negatibo laban sa 31-anyos na basketbolista.

“Mukha kang adik calvin,” reaksyon ni @cecilia catolico.

Sagdag naman ni @Vergo Sama: “Pangit ng ugali mo pala idol Haha sa basketball lang ako bilib sau

“Sa ngayon hindi pa natin alam kung sino ang tama sa kanila. Pero mukang high si Calvin dun sa IG Live niya,” pahabol ni @Adam Walker. (Aivan U. Episcope)