Tigasin sa court kaya kontrobersyal din si Calvin Abueba.
Pero malambot siya sa pagdating sa pamilya.
Ito ang ibinahagi Huwebes ng PBA star tapos mag-story sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang baby na si Ali.
“Padede muna bago practice,” mala-family man na caption sa IG story ni ‘The Beast’.
Nakabalik na muli sa full practice ng Phoenix Pulse ang seven-time PBA All Star nitong Setyembre matapos sampahan ng indefinite suspension sa sakitan nila ni Terrence Jones sa 2019 PBA Commissioner’s Cup at pambabastos niya sa dyowa nang noo’y nasa Blackwater at ngayo’y nasa TNT nang si Bobby Ray Parks. (Aivan Episcope)