Mga laro sa Biyernes (Cuneta Astrodome)
4:30 pm – Columbian vs. San Miguel
7 pm – Rain or Shine vs. NLEX
Ibinalik ni Calvin Abueva ang sablay ni Justin Chua at naitakas ng Phoenix ang ga-buhok na 93-92 panalo kontra Meralco sa first overtime ng 44th season ng PBA sa second game ng Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles nang gabi.
Sa first game, pasabog si Robert Bolick ng 26 points sa kanyang unang laro bilang pro para giyahan ang NorthPort sa kumbinsidong 117-91 paglunod sa Blackwater.
Higit tatlong minutong hindi umiskor ang Bolts sa extra period hanggang pumasok ang tres ni Nico Salva para ilapit ang iskor sa isa, bago itinabla sa 89 kalahating minuto na lang.
Mula sa jumpball, airball ang tira ni Alex Mallari pero nasa ilalim si Matthew Wright, sinalo at ibinalik 91-89 para sa Phoenix.
Binawi ng madaliang tres ni Chris Newsome 92-91, 11 seconds na lang.
Nagdagdag si Paolo Taha ng second career-best 21 points, may 16 si Stanley Pringle at nagbaba ng 12 rebounds si Lervyn Flores sa Batang Pier.
Nabuhay ang Bolts sa third, sa 8 points ni Nico Salva sa period at naidikit ang pagkakaiwan sa 64-60 papasok ng fourth.
Nagkasa ng eight unanswered points ang Bolts mula sa 3-pointer at nakumpletong three-point play ni Chris Newsome na pumagitna sa jumper ni Bryan Faundo at lamang bigla ang Bolts 70-66 kulang 9 minutes sa laro.