Hinikayat ng matataas na opisyal ng Philippine Sports Commission  ang 150 under-13 players ng 10 teams na papalo sa nagbukas kahapong Kadayawan Girls Volleyball Tournament 2017 sa University of Mindanao gym sa Matina, Davao City na mag-aral mabuti’t abutin ang kanilang mga pangarap.

Sa lokal na dayalekto, inihayag ni PSC chairman Butch Ramirez: “Kini dula-dula ra ni pero tanang nisikat sama sa mga national athletes nato wala mideretso og daug sa gold, silver or bronze. Sugod ra pud sila og enjoy-enjoy sa dula. Mag-eskwela jud ta og tarong kay importante na. Kung dili ta mag-eskwela dili mabuak ang kapobre (Katuwaan lang ang torneo pero para sa ating popular national athletes gusto nilang manalo ng gold, silver o bronze. Nagsimula rin sila sa ganito, pero ang pinakamahalaga ay magsipag-aral kayong mabuti habang nagpapa­kasaya ritong maglaro).”

Mga estudyante ng ­elementary mula sa tatlong distrito ng lungsod ang sumali sa palaro.

Hinimok naman ni Commissioner Charles Raymond Maxey ang mga batang kababaihan na mangarap at maglaro para sa bansa.

Nakabuena-mano sa opening games ang Davao PSC Children’s Games girls volleyball champion Kabacan Ele­mentary School kontra Matina Central Elementary School 25-8, 25-7, pinagulong ng Tambo­bong Elementary School ng Baguio District ang VF Corcuera Elementary School 25-15, 25-15.

Nabuo ang torneo sa pakikipagtulungan ng City Government of Davao sa pamamagitan ng Sports Development Division of the City Mayor’s ­Office (SDD-CMO) at ng PSC-Philippine Sports Institute-­Mindanao at Balibolista de Davao.

Taya ang cash prizes, trophies at certificates sa tournament.