Accidental firing? Pulis natagpuang patay sa banyo

Masusi ngayong iniimbestigahan ng Manila Police District-homicide section kung aksidenteng pumutok ang baril nang madulas o nagpakamatay ang isang 41 anyos na pulis-Maynila na natagpuang walang buhay sa loob ng banyo kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

May tama ng bala sa dibdib na tumagos sa kanyang likuran nang makita ang pulis na

nakatalaga sa MPD HQ.

Alas 6:30 ng gabi nang makarinig ng isang malakas na putok si Stephanie, pinsang babae ng biktima mula sa ika-apat na palapag ng bahay.

Kaagad siyang umakyat at dito nakita ang biktima na nakahandusay at duguan ang dibdib kung saan ang service firearms nito na 9mm ay nasa kanyang paanan.

Sinabi ni PCapt. Henry Navarro, hepe ng MPD-hs na tinitingnan nila ang anggulong accidental firing pero patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Hinihintay rin ni PEMS Donald Panaligan, may hawak ng kaso ang resulta ng autopsy report.(Juliet de Loza-Cudia)