Aces kontra Dyip sa Govs opening

RoS, 4 na iba pa walang mahagilap na mga import

Nilabas na ng PBA ang schedule para sa parating na Governors Cup.

Mag-uumpisa ang elimination round ng season-ending conference sa MOA Arena sa Setyembre. 20, Biyernes.

Babasagin ng Alaska Aces at Columbian Dyip ang hostilidad sa 4:30 pm, susundan ng bakbakan ng NorthPort Batang Pier at Rain or Shine Elasto Painters sa 7:00 pm.

Sa bihirang pagkakataon, double-header din ang mga laro kinabukasan, Sabado.

Magpapang-abot ang Phoenix Pulse Fuel Masters at NLEX Road Warriors sa opener ng 4:30 pm.

Sa nightcap sa Setyembre. 21 din uumpisahan ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang title defense laban sa Meralco Bolts.

Tatlong playdates ang ikakasa sa Ynares Center sa Antipolo sa Oct. 5, Nobyremnre. 10 at dito rin matatapos ang eliminations sa Nobyembre 20.

Out-of-town games ng Blackwater Elite vs. NLEX at Alaska vs. San Miguel Beer sa Sta. Rosa, Laguna (Sept. 29); SMB vs. Rain or Shine sa Lapu-Lapu City (Nov. 9); at TNT KaTropa vs. Magnolia sa Davao City (Nov. 16).

Dadalhin ng PBA ang bakbakan sa Dubai, UAE sa susunod na buwan, back-to-back ang NLEX kontra SMB sa Oktubre. 4, at laban sa Barangay Ginebra sa Oktubre. 5 base sa schedule. (Vlad Eduarte)