ACES LUMALAPIT SA LAST EIGHT

pba-alaska-blackwater

Desperado sa panalo ang Alaska, pinagdiskitahan ang undermanned Blackwater 107-87 para paypayan ang tsansa sa postseason ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Iniupo na ni Alex Compton si LaDontae Henton pero naglista pa rin ng 33 points at eight rebounds, bulto rito nang kumawala ang Aces sa second quarter.

Nakabawi mula sa 106-103 loss sa San Miguel Beer noong Miyerkules, angat sa 3-5 ang Alaska at napalakas ang tsansa sa walong teams na aabante sa quarterfinals.

Sinamantala ng Aces ang pagkawala sa Elite nina import Eric Dawson (back), Mike Cortez (left calf), Reil Cervantes (ankle) at JP Erram (right ACL.

“Obviously, malaking bagay wala si Dawson,” lahad ni Compton. “It’s nice to get back into the win-column. We are not used to being where we are right now. This is the time when we needed a break.”

Kabuhol ng Aces sa ninth ang NLEX, at hahabol sa susunod na round ang hukbo ni Compton kapag naipanalo ang mga natitira pang laro sa eliminations laban sa GlobalPort, Phoenix at Road Warriors.

“We’ll take this one,” dagdag ni Compton. “It was a win we needed. We cannot go 2-6. This was crucial. That’s why I’ve been telling my players, ‘playoff na tayo.’ That’s how we have to look at it.”

Natikman ang pampitong talo sa walong laro, halos wala nang pag-asang umusad ang Blackwater maliban kung mananalo sa last three games kontra Phoenix, GlobalPort at SMB para makapuwersa ng playoff sa eighth.

Plano na raw ng Elite na palitan na si Dawson na tatlong laro nang lumiliban. Sa Sept. 7 laban sa Fuel Masters ang susunod na laro ng Blackwater, pinangunahan ng career high-tying 23 points ni Art dela Cruz.