Hindi malaman ni Sonny Thoss (kaliwa) ng Alaska kung saan idadaan ang bola nang payungan nina Raymond Almazan (natatakpan) at JR Quinahan ng Rain or Shine. Naisahan ng Painters ang Aces, 117-114. (Jhay Jalbuna)
Hindi malaman ni Sonny Thoss (kaliwa) ng Alaska kung saan idadaan ang bola nang payungan nina Raymond Almazan (natatakpan) at JR Quinahan ng Rain or Shine. Naisahan ng Painters ang Aces, 117-114. (Jhay Jalbuna)

Games ngayon: (MOA Arena)
4:30 p.m. — GlobalPort vs. Meralco
6:45 p.m. — San Miguel vs. Ginebra

Naglaho ang second quarter 12-point lead, ejected sa second technical foul sa third period si coach Yeng Guiao, pero nakabuwelo sa final frame ang Rain or Shine para nakawin ang 117-114 panalo kontra Alaska kagabi sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Naiposte ng Elasto Painters ang 40-28 lead 6:34 sa second sa jumper­ ni Dior Lowhorn. Pero natiyagang tapyasin ng Aces at lumamang pa 98-87 sa split free throws ni Kevin Racal 6:57 sa game clock.

Sa sabwatan nina Paul Lee, JR Quiñahan, Lowhorn at Jeff Chan ay naka­balik ang RoS, tumabla muna sa 3-pointer ni Quiñahan 104-104 sa final 3:04 bago nakabentahe ulit 105-104 sa split sa stripe ni Lowhorn 2:23 na lang na inalagaan na hanggang dulo.

Angat ang E-Painters sa 3-2 kabuhol ang Meralco sa fifth. Bagsak ang Aces sa triple-tie sa ninth sa 1-4 kasama ang Star at Blackwater.

“I just felt that it’s not just calls going against us, it’s just that the confusion of what a foul is and what not a foul is,” hinaing ni Guiao, napasibat 3:1 sa third dahil sa reklamo sa officiating. “Mas mahirap ‘di mo alam kung ano ‘yung tawag. I just think we have to be clarified on those things. ‘Di lang ako nalilito, marami ring nalilito sa mga tawagan.”

Tumapos si Lowhorn ng 24 points at 10 rebounds, humagod si Lee ng 18, 16 si Quinahan, 13 si Chris Tiu at 10 si Chan.

Sapaw ang 41 points ni LeDontae Henton sa Alaska.

Kinontak naman ng TNT KaTropa ang fifth straight win, 109-89, laban sa Blackwater.

Kina­pitan ng Tropa ang solo lead sa likod ng 18-18 ng bagong import na si Mychal Lemar Ammons.