Gaya ng awitin ng grupong Apo Hiking Society na Blue Jeans ay wala pa rin itong kupas.

Ayon sa mga Pinoy fashion designer ay usong-uso pa rin at patok suotin ngayong taong 2019 ang acid wash o kupas na pantalong maong.

Sino ba naman ang magsasawa sa maong jeans?

Bukod sa komportable nang suotin at walang pinipiling weather o panahon, bukod sa casual­ o pagiging sporty ay puwede pa siyang pang-formal.

Puwede rin itong isuot sa anumang okasyon dahil balanseng-balanse sa pagiging laidback o stylish.
Kahit plain t-shirt lang at patungan ng jacket­ o bla­zer ay cool na at kaaya-ayang tingnan ang get up.