Nag-alok ng P500,000 pabuya ang Anti-Crime and Terro­rism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) sa sinumang makapagtuturo at ikadarakip ng mga suspek sa madugong pambobomba sa simbahan ng Jolo, Sulu na ikinamatay ng 20 katao nitong Linggo.

Sa pahayag ni ACT-CIS party-list first nominee Eric Yap, iginiit nito na kaisa sila ng buong sambayanan sa pagdadalamhati sa malagim na terorismo matapos ang dalawang magkasunod na pagpapasabog ng bomba sa loob ng Mt. Carmel Cathedral sa Jolo.

“Mariing kinokondenda ng ACT-CIS ang madugong insidente, na isang malinaw na tero­rismo. Kaisa kami ng pamahalaan na dapat agad mapanagot at maparusahan ang mga tao na nasa likod ng karumal-dumal na gawain na ito,” ani Yap.

Ani Yap, ang P500,000 reward mo­ney ay bilang tugon na rin ng kanilang grupo para sa mabilisang aksyon at agarang pagkadarakip sa mga tao na nasa likod ng pam­bobomba.

Nakahanda rin ang ACT-CIS na magbigay ng tulong o assistance sa mga pamilya ng biktima ng nasabugan.

“Huwag nating ha­yaang magtagumpa­y ang mga tao na nasa likod ng terorismo. Sama-sama tayong tulu­ngan ang mga biktima na agarang makaba­ngon sa pinsalang idinulot nila. Kahit kailan ay hindi magtatagum­pay ang anumang kasamaan dito sa mundo,” giit ni Yap.

Ang naturang pabuya ay bilang pakikipagtulungan na rin ng ACT-CIS sa isinasagawang imbestigasyon ng Phi­lippine National Police ukol sa insidente. Matagal nang isinusulong ng ACT-CIS ang mga programa laban sa krimina­lidad at tero­rismo dahil ito raw talaga ang adhikain ng kanilang grupo, “ang wakasan at krimen at terorismo sa bansa