MULA nang mauso ang Instagram Stories, tila mas maraming celebrities na ang nagpu-post dito kesa sa kanilang main IG feed.

Ang IG Stories ay ang Instagram feature na gaya-gaya sa Snapchat, na puwede kang mag-post ng maiiksing videos o photo (maximum of 15 seconds ang haba) na tumatagal lang ng 24 hours, tapos ay mawawala na.

Karamihan ng celebs, kapag meron silang gustong i-capture na moment as it happens, where it happens ay IG Stories ang ginagamit.

Nu’ng concert dito ng Coldplay ay paramihan ang celebs ng pinost na videos sa IG Stories.

‘Yung iba, halos buong concert ay kinunan at vinideo, paputol-putol lang dahil tig-15-seconder lang ang max.

Merong celebs na mahilig mag-IG Stories, pero walang post sa kanilang main feed.

Lalo na kung mas gusto nilang panandalian lang makikita ‘yung post nila, hindi tulad nu’ng nasa feed nila na pala­ging nandu’n at puwedeng balik-balikan (at ma-grab ng iba).

IG Stories ang ginagamit ng isang actor-businessman at isang hunky actor para i-chronicle ang kanilang perso­nal activities.

Kamakailan ay magkasama ang dalawa sa isang malayong bansa, pero hindi mo ito makikita sa kanilang main IG feed.

Malalaman mo lang na magkasama sila dahil kung nasaan si actor-businessman sa pinost niyang IG Stories, ‘yun din ang location ni hunky actor sa IG Stories nito.

Mula sa nasabing malayong bansa ay nag-sidetrip ang dalawa sa isa pang bansa na hindi kalayuan mula roon.

Nagpunta sila sa isang exotic location kung saan nagpakasarap sila sa kanilang lihim na bakasyon.

Maingat ang dalawa at wala silang pics o vi­deos na magkasama, pero makikita mong nasa iisang lugar lang sila.

Lalong naging kaduda-duda ang galawan ng dalawa dahil itinatago nila ang activities nila.

Kung walang malis­ya ang closeness nila at pareho silang mga tunay na lalaki na magkaibi­gan lang o magbarkada ay hindi sila mag-aalangan na i-post sa social media na magkasama sila.

Ang actor-businessman ay noon pa napapabalitang kloseta, hindi lang ito makapagladlad hanggang ngayon.

Ang hunky actor ay sarap-sarapan at pinaglalawayan ng mga bading, pero ku­malat ang tsika na patola ito sa mga paminta at yummy borta na katipo nito.

Yummylicious si hunky actor sa mga kuha nito sa exotic location na pinuntahan nila ni actor-businessman.

Inggit-inggitan ang mga beks na nakakaalam na magkasama ang dalawa sa lugar na ‘yon.
Alam nilang nagpasasa nang husto si actor-businessman sa malinamnam na katawan ni hunky actor.

Kaya hindi makapag-out si actor-businessman ay dahil may imahe itong pinoprotektahan hindi lang sa showbiz kundi maging sa mundo ng negosyo na pinasok nito.

In fairness ay hindi lang ito sakses sa business, waging-wagi rin pati ang secret lovelife at sexlife nito!

4 Responses