PINAG-USAPAN kahapon sa programa nina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Ali Sotto sa GMA News TV ang tungkol sa actor/politician na inireklamo raw ng isang motorista dahil sa nagkaagawan sa parking space.
Ipinilit daw ng actor/politician na siya ang naunang nag-park sa isang space, gayung meron naman daw iba pang bakanteng lugar.
Akala raw ng actor/politician, driver ‘yung nakaengkuwentro niya, iyun pala siya na mismo ang may-ari ng kotse.
Ipinagkalat nitong motorista ang insidenteng nangyari, at lumabas na masama itong si actor/politician.
Sa aming pagkakilala napakabait nitong actor/politician, at malumanay pa nga itong kausap.
Mukhang problemado raw si actor/politician kaya mainit ang ulo.
Usually naman kasi, kapag inireklamo ang isang kilalang celebrity ng isang ordinaryong citizen, ang lumalabas na masama ay ang kilalang celebrity.
Sa patuloy na tsikahan ng tatlong broadcasters, may teaser si Ali tungkol naman daw sa isang actor/politician na hiniwalayan daw ng dyowa-dyowaan dahil nahuling may ibang girl na katsugihan.
Lingid daw sa kaalaman ng actor/politician, nagpakabit daw ng CCTV ang magandang dyowa-dyowaan sa isang bahagi ng bahay nila. Doon daw nahuli ni magandang dyowa-dyowaan na may iniuwing girl si actor/politician.
Kinalkal namin ngayon kung sino itong kinukuwento ni Ali.
Natukoy namin kung sino nga ito, at nalaman naming matagal na pala siyang hiwalay sa maganda niyang dyowa-dyowaan. Nanghinayang tuloy kami dahil napakaganda pa naman nung girl na nagka-title yata sa isang prestigious beauty competition.
Kaya sinasabi naming dyowa-dyowaan dahil may totoong dyowa naman kasi si actor/politician na tahimik lang kahit matagal na rin silang hiwalay.
Ang ikinaloka lang namin, nang nalaman naming napakabata naman pala nung girl na ipinalit kay magandang dyowa-dyowaan.
Papasukin na rin ni girl ang showbiz at malapit na siyang i-launch ng magaling na talent manager. Abangan na lang dahil hindi ko pa alam kung anong screen name ang gagamitin niya. Ilalayo kasi siya sa kapatid niyang isa ring batang aktres.