Dobleng kamalasan ang inabot ng singer-actor na si Markus Paterson dahil matapos sumalpok ang motorsiklo nito sa isang concrete barrier ay pinagnakawan pa ng mga taong lumapit sa kanya, kamakalawa ng madaling-araw sa Roxas Boulevard, Maynila.

Nabatid na nagtamo ng grabeng pinsala sa kanyang paa ang 18-an­yos na si Paterson.

Ayon sa ilang naka­kita sa insidente, mabilis umano ang pagpapatakbo ni Paterson ng kanyang motorsiklo at wala itong ilaw hanggang sa sumalpok sa concrete barrier.

Bumaligtad umano si Paterson at tumalsik pa ang helmet nito.

Nalaman kay Pater­son habang nasa stretcher ito ng sumaklolong rescue team na ninakawan pa siya ng gamit nang mangyari ang aksidente kaya’t hindi agad siya nakatawag sa kanyang mga kaibigan o pamilya para humingi ng tulong.
Isinugod naman sa ospital si Paterson pagdating ng emergency unit.

Nabatid na si Pa­terson ay nakilala nang maging finalist sa “Pinoy Boyband Superstar”, isang singing competition ng ABS-CBN noong 2016.

Nakasama rin siya sa pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” na ipinalabas noong Agosto.